Will The Real Pilipino Please Stand Up

Posted: March 15, 2011 in Creative Writing

hindi na bago ang salitang nationalismo

sa mga kulturang malaya at demokratiko.

dito satin itoy isa ng gasgas na salita

sa paulit ulit na pagkakataon  itoy binabandera.

parte na ng ating kultura ang ikumpara ang pilipinas sa iba,

ang maging “world class” o sa aking pananaw ang ” makigaya”;

hindi na kuntento sa gawang indio,

pati ang tao ginawang pilipino;

galing sa pangalan ng haring estranghero.

sino ba talaga ang pilipino?

sila ba ang lahing mahilig mangsisi ng iba?

sa bawat suliranin ang salarin ay gobyerno at politika?

naka lunok ng tinik ng isda, sinong may sala?

palpak na naman ang gobyerno at politika!

Sila ba ang mga taga-ilog, pampango, ilocano, bolanon at cebuano?

na sa pagsakop ng mga amerikano nahaluan ng mga moro?

bakit nga ba may alitan ang tagalog at bisaya?

at bakit pinapatay ng mga pilipino ang mga morong nais maging malaya?

mahigit isang siglo na raw tayo isang bansa at lahi,

tingnan mo, nasa ulap parin ang pagkakaisang katang isip.

isang bayan na isang syudad lang ang kumakabig,

samantalang ang palibot ay napuno na ng mga gutom na bibig.

aminin na lang natin ang totoo, hindi tunay ang pilipino.

mag balik tanaw sa ating mga katutubong nakalipas,

wala kang mahahanap na bayang pilipinas.

humarap ka sa panahong moderno, at buksan ang mga mata,

ang tunay na nationalismo, naka ugat sa wika ng iba’t ibang dila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s